Isa sa mga napupusuang Kapuso hunk sa industriya ng showbiz ay walang iba kundi ang Pambansang Ginoo, David Licauco.Mula sa kanyang charming roles sa mga teleserye hanggang sa kanyang mabait at hardworking na personalidad, hindi maikakailang certified charmer at boyfriend material si David.Lalo pang nadaragdagan ang kilig ng fans kapag kasama niya ang ka-love team na si Barbie Forteza.
Palaging patok sa publiko ang kanilang mga proyekto dahil sa natural nilang chemistry on and off screen.Sa isang panayam kay Toni Gonzaga, inamin ni David na medyo ramdam niya ang pressure mula sa fans na patuloy na nakaabang sa kanilang dalawa ni Barbie--lalo na ngayon na pareho silang single."It's a bit pressuring pero 'di ko naman siya iniisip as negative.
Siguro for me if it happens, it happens," ani David.Nilinaw din ng Kapuso actor na walang kinalaman ang kanyang “chill post” sa breakup issue nina Barbie Forteza at Jak Roberto."Some people think na I'm riding on the break up.
Tapos binabash ako ng mga tao sa comment saying [ako] ang dahilan," paliwanag niya. "Tapos sabi ko, okay post ako ng picture na chill lang. Pero kasi 'yung chill lang na caption, [ginagamit] ko rin siya sa previous posts ko.
So hindi naman siya (related)."Pagdating sa tanong na kung open siya sa posibilidad na makipag relasyon sa kapwa artista, naging honest si David sa kanyang sagot: "Non-showbiz talaga but I'm not closing my doors. Baka mas maintindihan ng katrabaho mo.
"Ibinunyag pa nga ni David na minsan na siyang na-in love sa isang showbiz personality. "I dated someone from showbiz pero hindi siya umabot sa relasyon talaga. I haven't dated anyone from showbiz since I got to showbiz.
"Nang tanungin naman siya tungkol naman sa kanyang ideal girlfriend, gusto raw niya ay maputi na hindi masyadong chinita. Higit pa roon, importante sa kanya ang mga ugali na "genuinely nice, in touch with life, often present, caring, understands my job, emotionally stable."Balikan ang sizzling photos ni David Licauco sa gallery na ito:.
Entertainment
David Licauco, open makipag-relasyon sa kapwa artista?

Ano nga ba ang ideal girlfriend para kay David Licauco?