Ibinida ng mga nakapanood ng Samahan ng mga Makasalanan ang kanilang reaksyon sa pagganap ni David Licauco sa karakter na Reverend Sam.Nitong Huwebes, April 10, ginanap ang "Makasalanang Premiere Night" ng Samahan ng mga Makasalanan. Kasama ni David sa gabing ito ang iba pang cast members ng pelikula na sina Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, Liana Mae, Tito Abdul, Tito Marsy, Shernan Gaite, Yian Gabriel, at Batmanunulat.
Dumalo rin ang ilang Kapuso executives, celebrity guests, entertainment press, pamilya, at fans ng mga cast ng Samahan ng mga Makasalanan. Nagbigay rin ng suporta sa Samahan ng mga Makasalanan premiere night si Barbie Forteza. RELATED GALLERY: MAKASALANANG PREMIERE NIGHT NG 'SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN' Ilan sa mga nakapanood ay nagbahagi ng kanilang reaksyon sa pelikula.
Saad ng isa sa kaniyang X account, "Now I understand why filming #SamahanNgMgaMakasalanan felt like it wasn't a lock in taping (for work) for the casts after all-- 'coz the movie itself felt like HOME. everyone had their own spotlight! I can feel that david is set to bring home another award for this!"Dugtong pa nito, "ganda ng pagkakasulat mo sa #SamahanNgMgaMakasalanan dir. benedict mique! hinusay-husayan din talaga! props to everyone who made this movie possible and of course.
. to everyone who worked hard for this!" PHOTO SOURCE: XKuwento naman ng isang nakapanood ang reaksyon at aral na natutunan pagkatapos masaksihan ang Samahan ng mga Makasalanan."#SamahanNgMgaMakasalanan didn't just make me laugh, it also made me feel.
Its the kind of feeling that stays long after the credits roll. The actors were all brilliantly funny, but beneath the humor, there's a lot of heart and depth too. I enjoyed very much and can't wait to watch it again with my family.
A alot of lessons from this film...
a beautiful reminder that comedy can be more than just for laughs. And @davidlicauco definitely did not disappoint. Amazing performance! 👏🙌 Congrats to David Licauco and whole SNMM Team! PHOTO SOURCE: X Proud na inihayag ng fan club ni David ang kanilang paghanga sa pagganap nito bilang Reverend Sam sa Samahan ng mga Makasalanan.
"It's so nice to see @davidlicauco surrounded by so much support, especially lead role siya sa film na ito! Everybody is so proud of you, David! We loved the movie, and your performance was amazing! We can't wait to watch it again, and again...
🙏" PHOTO SOURCE: XAbangan ang Samahan ng mga Makasalanan sa darating na April 19 in cinemas nationwide. Ang Samahan ng mga Makasalanan ay mula sa direksyon ni Benedict Mique at sa panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.Makisali rin sa samahan sa kanilang cinema visits.
Abangan si David at cast ng Samahan ng mga Makasalanan ngayong April 12. SAMANTALA, NARITO ANG BEHIND THE SCENES SA PELIKULANG SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:.
Entertainment
David Licauco, napabilib ang fans sa pelikulang 'Samahan ng mga Makasalanan'

Alamin ang reaksyon ng mga nakapanood na ng 'Samahan ng mga Makasalanan'!