Matapos ang back to back na trabaho, maglalaan naman ng oras si Kapuso star at Pambansang Ginoo David Licacuo ng oras para sa kanyang pamilya ngayong parating na Semana Santa.Masaya daw si David na magkakaroon sila ng time na ipagpatuloy ang isang tradisyong nasimulan ng kanilang pamilya."This Holy Week, I will be with my family.
We will do the seven churches, Visita Iglesia. 'Yun kasi 'yung family tradition namin in the past years," bahagi niya.Hindi rin pinalampas ni David na mag-relax at magkaroon ng extra bonding time kasama ng mga ito dahil mahaba-haba din ang bakasyon.
"I'll be going to the beach kasama 'yung family ko," dagdag ng aktor.Well deserved ang pahingang ito dahil katatapos lang ni David sa shooting ng pelikulang Samahan ng mga Makasalanan na pagbibidahan niya.Gaganap siya dito bilang Reverend Sam, isang baguhang pari na madedestino sa Sto.
Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa. Makakasama niya sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba."Sana manood kayo ng Samahan ng mga Makasalanan, April 19 na 'yan in cinemas nationwide.
Please watch," imbistasyon ni David.NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:Samantala, naging abala din si David sa recording ng kanyang upcoming debut single na "I Think I Love You."Abangan ito sa May 16, 2025, sa ilalim ng Universal Records Philippines.
.
Entertainment
David Licauco, maglalaan ng oras oras sa pamilya ngayong Holy Week

Family bonding time ang focus ni David Licauco ngayong parating na Holy Week.