David Licauco at cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan,' nakipagkulitan kasama ang mga fans

featured-image

Isang masayang meet and greet ang ginanap kasama ang fans ni David Licauco at ibang mga cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan.Sa post ng GMA Pictures, ipinakita ang masayang meet and greet para sa upcoming satirical comedy film na Samahan Ng Mga Makasalanan. Kasama ni David ang kaniyang co-stars na sina Liezel Lopez, Buboy Villar, Jay Ortega, Betong Sumaya, David Shouder, Liana Mae, Jade Tecson, Tito Marsy, at Tito Abdul.Balikan ang mga ginawa ng cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan sa gallery na ito:

Nagsama-sama ang mga makukulit na cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' para sa kanilang mall show sa SM City Caloocan. Bago ang kanilang meet and greet, may TikTok kulitan muna sina David Licauco, Liezel Lopez, Buboy Villar, Jay Ortega, Betong Sumaya, David Shouder, Liana Mae, Jade Tecson, Tito Marsy, at Tito Abdul. Nagpakilig sa mga fans ang Pambansang Ginoo at Reverend Sam ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' na si David Licauco.

Masaya ang hapon ng mga pumunta sa SM City Caloocan para sa Mall Show ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan.' "Sobrang latina" nina Liezel Lopez, Jade Tecson, at Liana Mae. Sila ay mapapanood bilang Cindy, Wendy, at Girly sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan.



' Sa games ay may maswerteng fan na naka-bonding si David Licauco. Si Jay Ortega na gaganap bilang Junior the Chop2x Boy sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan' ay nagpakilig ng isang fan. Sina Tito Marsy, Tito Abdul, at David Shouder ay nakipagkulitan sa mga fans.

Sila ay gaganap naman bilang Barry, Urot, at Pester sa 'Samahan Ng Mga Makasalanan.' Abangan ang 'Samahan Ng Mga Makasalanan' in cinemas nationwide sa April 19..