Mapapansin ng tatay ni Kat na si Caloy (Archie Alemania) na may pagbabago sa anak. Dulot ba ito ng kalmot ni Mingming? Pagkawala ni Kat sa pet café, mapapansin ng guwapong si Marty. Paano kaya nila malulusutan ang pag-uusisa ng tauhan ni Dr.
Tom? Parang unti-unti na nagiging pusa si Kat. Baka mapansin na ito ng kanilang kalaban. Tatanungin na ni Kat sa veterinarian na si Tom kung ano 'yung ginamit niyang serum sa mga hayop na nasa kaniyang clinic.
Heto ang pasilip sa part two ng kuwento ni “Captain Kitten” sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na April 12 sa oras na 9:30 p.m..
Entertainment
Daig Kayo Ng Lola Ko: Unlocking Kat's cat-like powers!

Muntik nang mahuli si Kat (Jillian Ward) ni Marty (Kim Perez) na pumasok sa special care room ni Dr. Tom (Gabby Eigenmann) kung nasaan si Mingming.Pero mas nakakaalarma ang nangyari kay Kat (Jillian Ward) na nakalmot ng pusa na ginamitan ni Dr. Tom ng special serum.Dahil dito, unti-unting lalabas ang cat-like qualities ni Kat na mahihilig sa gatas at pagkain ng isda.Ano-ano kaya ang magiging epekto sa kaniya ng kalmot ni Mingming na pinag-eksperementuhan ng misteryosong vet na si Dr. Tom?Heto ang pasilip sa part two ng kuwento ni “Captain Kitten” sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na April 12 sa oras na 9:30 p.m.