Isang simpleng dalaga lamang si Jo Berry na nagta-trabaho sa BPO industry bago siya maging artista. Dahil sa kaniyang height, nakapasok si Jo sa teleseryeng 'Onanay,' kung saan ipinamalas niya ang kaniyang natural na talento sa acting. Unang sumikat si Noemi Tesorero o Mahal sa '90s Kapuso program na 'Lunch Date.
' Si Mahal ay isa sa pinakakilalang little people sa showbiz. Huli siyang naging bahagi ng GMA Telebabad series na 'Owe My Love' bago pumanaw noong August 31, 2021 Ang Bicolanong si Allan Padua, o mas kilala bilang Mura, ay unang nakilala bilang sidekick ni Mahal sa '90s show na 'Magandang Tanghali Bayan.' Una man siyang nakilala bilang babae, lumantad rin kalaunan si Mura bilang lalaki.
Kasunod nito ay nagkaroon siya ilang male roles sa showbiz. Si Romy Pastrana, o mas kilala bilang Dagul, ay naging bahagi na ng ilang comedy movies tulad ng 'Isprikitik, Walastik Kung Pumitik.' Madalas din siyang makasama sa mga sitcom tulad ng dating GMA show na 'Kool Ka Lang' Nakilala si Dagul bilang sidekick ng komedyanteng si Long Mejia.
Sa height na halos tatlong talampakan, si Ernesto dela Cruz o Weng Weng na ang pinakamaliit sa lahat ng sumikat na little people sa showbiz. Nakilala siya sa ilang palabas tulad ng isang pelikulang pinagbidahan ni Dolphy na 'Da Best in Da West' noong 1989. Si Noel Ayala o Ungga ay nagsimula bilang doorman sa Malate bar na Hobbit House.
Nakilala siya sa pelikula na 'Starzan III: The Jungle Triangle'..
Dagul, nais bumalik sa showbiz: 'Ako po willing pa na magtrabaho'

Kilala si Dagul, o Romy Pastrana sa tunay na buhay, bilang isa sa mga sikat na komedyante sa Pilipinas.Mas tumatak siya sa puso ng maraming netizens nang nakasama siya sa children's show na Goin' Bulilit. Maliban dito, pinahanga rin niya ang madla sa kanyang drama roles sa iba't ibang teleserye.Ngunit sa kabila ng kanyang naging kasikatan, nasaan na kaya ngayon ang minamahal na komedyante?Sa isang panayam kasama ni Aiko Melendez, ibinahagi ni Dagul ang kanyang kasalukuyang simple at tahimik na pamumuhay kasama ang kanyang pamilya."Nasa bahay lang ako. May maliit kaming tindahan. Minsan ako 'yung nagbabantay kapag wala si misis," kuwento niya.Inamin ng komedyante na hindi na siya makakilos tulad ng dati, kaya madalang siyang makakuha ng mga proyekto sa showbiz."Sa ngayon kasi, mahihirapan sila magbigay ng role ko dahil una, hindi ako makakalakad nang masyado, 'di ako makatayo nang matagal. Sa tingin ko sa age at tsaka overweight siguro 'yung tuhod ko parang mahina na. Sa ngayon 62 na rin ako," paglalahad ni Dagul.Sa kabila ng mga hamon, bukas pa rin ang aktor na muling tumanggap ng mga proyektong kaya niya."Ako po willing pa na magtrabaho. Basta kung kaya ko ang role ko, willing pa po ako. Pero 'wag lang takbuhan, palakarin ng malayo, siguro hindi ko na kaya iyan. Pero kung mga role na kaya ko, go pa rin ako," sabi niya.Dagdag pa ni Dagul, nais niyang muling makatrabaho ang kanyang mga kaibigan sa industriya. Hiling rin niya na makapagbigay ng suporta sa kanyang pamilya, lalo na't may mga anak pa siyang nag-aaral.Sa huli, taos-pusong pasasalamat ang ibinahagi ni Dagul sa mga GMA shows tulad ng Magpakailanman, Family Feud, at Kapuso Mo, Jessica Soho na nagbibigay ng proyekto at suporta sa kanya.Noong 2022, natampok ang kanyang kuwento at ang buhay ng kanyang anak na si JKhriez sa isang espesyal na episode ng Magpakailanman. Sa parehong taon, masayang nanalo rin ang pamilya ni Dagul sa masayang game show na Family Feud. Samantala, lilalanin ang ilan pang little people na gumawa ng pangalan sa showbiz.