Umatras ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Cebu sa Miss Universe Philippines 2025 competition na si Chella Falconer. Inihayag ito ni Chella sa kaniyang Instagram post, at inilarawan na "amazing" ang naging karanasan niya sa mahigit isang buwan ng kaniyang Miss Universe Philippines 2025 journey. "From the incredible experiences to the wonderful moments shared with the MUPH staff and my fellow candidates, (so beautiful inside out btw).
I have cherished every second,” sabi ni Chella. Puno rin siya ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya sa kaniyang pageantry journey. “Thank you from the bottom of my heart.
This may be a pause, but growth isn’t always reaching the finish line; sometimes it’s about knowing when to take a different path,” ani Chella. May nilinaw din si Chella tungkol sa mga espekulasyon sa dahilan ng kaniyang pag-atras sa kompetisyon. “This is my first time stepping away from a national competition.
Just to set the record straight—I never screened for MWP, so the rumors about me backing out from it aren’t true. It was Miss Elite World (International Comp) that I didn’t pursue but there was a reason for that,” saad niya. Si Chella ang ikalawang Miss Universe Philippines candidate na umatras sa kompetisyon.
Nauna na si Hannah Michelle Gilmore ng Los Angeles noong Pebrero. Kasunod ng pag-atras ni Chella, 67 kandidata ang maglalaban-laban para sa Miss Universe Philippines 2025 crown. Gaganapin ang Miss Universe Philippines 2025 coronation night sa May 2, 6 p.
m., sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ang mahihirang na Miss Universe Philippines ay sasabak sa Miss Universe 2025 pageant sa November 21 sa Impact Muong Thong Thani Arena sa Bangkok, Thailand.
— mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Chella Falconer ng Cebu, umatras sa Miss Universe Philippines 2025

Umatras ang magiging kinatawan ng lalawigan ng Cebu sa Miss Universe Philippines 2025 competition na si Chella Falconer.