Celebrities open up about depression, anxiety, and other mental health issues

featured-image

Ilan sa mga sikat na celebrity ang buong tapang na ibinahagi sa publiko ang pinagdaanang pagsubok kaugnay ng kanilang mental health.Base sa impormasyon ng World Health Organization (WHO) noong 2020, mental and behavioral disorders account for about 14% of the global burden of disease. At hindi baba sa 450 million katao ang dumaranas ng ganitong klaseng sakit.Samantala, 3.6 milyong Pinoy ang nakararanas ng mental, neurological, and substance use disorder ayon sa pag-aaral na ginawa Philippine WHO Special Initiative for Mental Health sa unang bahagi ng 2020.Matatandaan na dating nang nagkuwento ang Megastar Sharon Cuneta tungkol sa pinagdaanan niyang depresyon.Nagsilbing inspirasyon din ang Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista nang umamin ito na maging siya ay dumaan rin sa matinding depression matapos makunan noon.Payo ng Kapuso primetime star, "It's very important for you to be open and to talk about it. To surround yourself with good people."Kilalanin ang ilan pang celebrity at personalidad na nagbahagi rin ng kanilang mental health journey sa gallery na ito.

BB Gandang Hari spoke up about suffering from a severe anxiety attack and emotional distress that caused her blood pressure to shoot up. She hinted that this was caused by workplace bullying related to her gender. On Instagram, BB wrote, “”Say NO to workplace BULLYING.

...



What would you do when you're transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?” Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith also opened up about her mental health. During a seminar called “You, Me, Empathy,” Jasmine admitted the pressure from being a celebrity triggered her anxiety and depression. Fortunately, Jasmine has found ways to battle her condition in a more positive way.

The 'Sahaya' actress said talking to a mental health professional, reading self-help books, and having a support system helps her manage stress and have a healthier state of mind. Nagluksa ang OPM industry noong January 16, 2019 dahil sa diumanong pagpapakamatay ng Razorback drummer na si Brian Velasco. Nagbigay ng pakikiramay at supporta para sa mental health ang ilang musikero tulad nina Ebe Dancel, Francis Brew Reyes, at ang bandang Soapdish.

IInamin ng TV host-actress Isabelle Daza na naranasan na niya ang matinding pressure sa social media lalo pa't isa siyang celebrity. Sabi niya, "Every day, I'm pressured by the amount of likes I have and the amount of comments." Sinabi rin ng dating Eat Bulaga Dabarkad na minsan nahihirapan siya kung ano ang dapat niyang ibahagi sa social media at kung ano ang dapat panatilihin niyang pribado.

Mabuti na lamang daw at nandiyan ang kaniyang asawang si Adrien Semblat, “I'm lucky because my husband Adrien, he's a bit disconnected from social media. He says you have to be authentic to yourself.” Inamin ni Heart Evangelista na nakaranas siya ng depression matapos makunan noong Hunyo.

Malaki ang pasasalamat ni Heart sa suportang ibinigay ng mga taong malalapit sa kanya para malagpasan ang nararanasang depresyon. Sabi pa niya, "It's very important for you to be open and to talk about it. To surround yourself with good people.

" Jerika Ejercito, the daughter of former president and now Manila mayor Joseph "Erap" Estrada, is a huge mental health advocate. She once wrote on social media, "2012 my journey began. realizing the urgent need to finally break the stigma regarding Mental Health.

To raise not only awareness but a deep understanding of the gravity and importance of this cause. This journey led me to so many learning and sometimes very difficult experiences. But at the same time it has led me to meet some of the most wonderful and beautiful human beings to have walked the earth.

And to them I am grateful. Thank you for tirelessly listening to me rant and cry and talk and rave about mental health for the last six years. And now here we are celebrating the passing of the FIRST EVER Mental Health Law.

I am amazed at how this movement has evolved into what it is today. I am just grateful to have played a small part in this incredible moment for our country. #MentalHealthPH #BeHealedPH" At a young age, Jerika experienced major triggering factors such as the impeachment of her father back in 2002.

She was only 16 years old when this happened. Bullying and family difficulties also became factors that triggered her depression. Anne Curtis recently opened up about battling depression.

In a press conference, Anne admitted going on a social media break for a month to “block everything out.” Anne was quoted saying, “A lot has to do with, in fact, the press, and having the stress of press when I was going through something very, very tough." She added, “"But I think when you have the perfect support team around you and you don't let it eat you up inside, you'll be able to get through it.

" Nagdulot daw ng depresyon kay Maricel Soriano ang pagkamatay ng kanyang ina. Ayon kay Maricel, apat na araw raw siyang 'di natulog dahil sa sobrang kalungkutan kaya't humingi na siya ng tulong sa isang propesyonal. Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kuwento sa likod ng kanyang pinagdaanang depresyon.

Ayon sa social media post, si Judy Ann Santos daw ang tumulong kay Sharon upang makabangon muli sa kanyang kondisyon noon. Noon 2015, ginulat ni Gab Valenciano ang publiko nang aminin niya sa social media na nakaranas siya ng depresyon. Ayon sa post, tumagal ito nang apat na taon.

Inamin ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa kanyang 'Bawal Ang Pasaway' guesting noong October 23 na pati siya ay dumaan sa depresyon. Ayon sa beauty queen, tumagal daw ang kanyang clinical depression nang pitong buwan. Bago pa man maging isang beauty queen, isinusulong na ni Kylie ang mental health awareness bilang kanyang advocacy.

Nakaranas ng depresyon si Antoinette Taus dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Umabot sa tatlong taon ang kondisyon ni Antoinette at unti-unti raw siyang nakabangon dahil sa suporta ng kanyang pamilya. Inamin ni Joy Cancio sa kanyang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' interview na nagdulot ng depresyon ang kanyang pagkakalulong sa sugal at pagbagsak ng kanyang showbiz career.

Sinubukan daw ni Joy na kitilin ang kanyang sariling buhay ngunit nabigyan siya ng second chance kaya't naging aktibo raw siya ngayon sa kanyang church. Sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' rin inamin ni Janno Gibbs na nakaranas siya ng depresyon. Upang tuluyang makabangon mula sa mental condition, humingi ng tulong sa propesyonal si Janno.

Dumaan din sa clinical depression ang former lead vocalist ng bandang Sugarfree na si Ebe Dancel. Ibinahagi ni Ebe ang kanyang experience sa depression sa kanyang social media account kamakailan lamang. "My doctor once told me, it's like a fever.

Something's wrong with your body, so take your meds. I believe her. I'm better because of her," saad ng singer.

Taong 2012 nang mapabalitaang palaboy-laboy sa lansangan ang aktor na si Soliman Cruz. Mahigit isang taon daw siyang nakaranas ng depresyon. Dahil sa tulong ng kanyang kaibigan at ng asawa nitong psychiatrist, gumaling si Soliman sa kanyang clinical depression.

Umamin sa isang panayam ng isang entertainment website ang power-belter na si Jed Madela na dumaan siya depresyon. Sa katunayan nasa recovery stage pa rin siya diumano, pero laking pasasalamat niya na unti-unti nang bumubuti ang kanyang kalagayan. Dagdag pa ng magaling na singer na nakaranas siya ng anxiety attacks, pero nalagpasan daw niya ang lahat nang ito sa tulong ng mga mahal niya sa buhay at pagso-social media detox.

Inamin ni Nadine Lustre sa Instagram na dumaan siya sa depresyon. Pahayag niya sa isang emosyonal na post, "I have days when I have to put a mask on, smiling, numbing myself from negative emotions, too often. I have already mastered the art of hiding it, I bet you never even noticed it.

" Nagpasalamat naman siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa pagsuporta at pag-unawa sa kanyang kalagayan. Aniya, hindi naman dapat itago ang depresyon at huwag mahiyang ilabas ang tunay na nararamdaman. Ayon sa mga report, ang 16-year-old brother ni Nadine ay dumaan din sa depresyon na nagtulak sa kanya na kitilin ang kanyang sariling buhay.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram stories ang larawan ng semi-colon bilang simbolismo ng mental health and suicide prevention awareness. Ang ama naman ni Nadine ay nagpa-tattoo ng semi-colon sa kanyang kamay bilang pag-alala sa yumaong anak. Taong 2013 pa lang ay inamin na ni Sarah Geronimo na nakaranas siya ng quarter-life crisis.

Noong April 2018, kumalat ang video ni Sarah kung saan nag-break down ang singer sa mismong concert nito sa Las Vegas. Habang kinakanta ang "Forever's Not Enough," napahinto siya at pumunta sa backstage. Humingi naman siya ng paumanhin sa kanyang audience at ibinahagi ang kanyang saloobin.

Saad niya, "Ginusto ko pong maibahagi 'yung talento ko, pero hindi po pala ako handa dun sa mga kasama ng hiningi ko. Lalo na po 'yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka ..

. mahirap po. I've been asking myself 'Bakit I feel empty?' Hindi 'yong successful na shows or mga hits ang makakapagpakumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang tao, kundi 'yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago--perpekto ka man o hindi.

" Nagpakita naman ng suporta ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Short but sweet ang mensahe nito para sa Pop Star Princess na may katagang, "Keep walking, I'll always be beside you. No matter what.

I love you my love. And I miss you." Inamin ni Ashley Rivera sa kanyang interview sa 'Tunay Na Buhay' na dumaan siya sa depresyon dahil sa pang-aabuso ng kanyang ex-boyfriend.

"Nag-start lang 'yang depression na 'yan when I got into a really parang toxic relationship with a guy. It was abusive..

. emotionally, verbally, sometimes physically," saad niya. Sexy actress Ellen Adarna talked about her 14-day mental health training in Bali, Indonesia recently in an eight-minute Instagram video she uploaded last March 26.

On her post, Ellen Adarna revealed that she was diagnosed wit anxiety, depression, and post-traumatic stress disorder. In the same post, she assured everyone that she is doing fine, "No more meds and sadness..

.just love and smiles. I'm out of that black hole.

" Buong-tapang na ikinuwento ng actor na si Anjo Damiles sa panayam sa kanya ng entertainment press na dumaan siya sa matinding depresyon at severe anxiety noong 2020. Sa virtual media conference ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko', ibinahagi niya na malaki ang naging tulong ng pamilya niya sa pinagdaanan niyang mental health problem.Saad niya, “Si God talaga ang pinakatumulong sa akin.

Also my family, the doctor, they kept me sane. They gave me ideas ano'ng puwede gawin to keep your mind occupied,” kuwento ng aktor. Matapang na umamin ang Former Miss Eco International 2021 first runner-up na si Kelley Day na humaharap siya sa matinding personal struggle, matapos kumpirmahin na meroon siyang mental health illness.

Kuwento ng Kapuso beauty queen, “Initially tried to handle it myself, but for the first time in my life, the intensity of anxiety and fear heightened beyond my control. “In the midst of my attacks, I was afraid to seek professional help and medication, but with amazing support from fam and friends, I eventually did. easier said than done.

.. It's scary and traumatic, but I'm grateful now to be on the road to recovery.

“Once I'm much better and have more info/advice/diagnoses, I will share it in hopes to help others that may be relating to my experience.” Pinayuhan din niya ang mga katulad niya na may mental health illness na magpakonsulta sa mga eksperto, para lubos nila maunawaan ang kanilang pinagdaanan. Naiintindihan daw niya ang nararamdaman nilang takot, pero binigyan-diin niya na maayos din ang lahat sa tulong mga espesyalista.

Ani Kelley, “If someone reading this is similarly struggling right now, I hope this message can help. based on my experience I can only strongly advise to seek medical help (psychologist/psychologist), because I think developing the courage to do that, ultimately saved me. It's really damn scary at first.

but you WILL get better when you have professional help and support.” Sa Instagram, ipinost ni Maxene Magalona ang isang compilation video kung saan makikita siyang umiiyak sa magkakaibang araw at lugar dahil sa naranasang anxiety. Sa sumunod na post, ipinaliwanag ni Maxene ang dahilan ng kanyang pag-iyak sa compilation video.

Kuwento ng aktres, halos dalawang linggo siyang umiiyak noong 2021 sa hindi malamang dahilan kung kaya't minabuti niyang i-video ang sarili upang balikan ito. Aniya, "I felt like creating that reel because I just wanted to share these emotions because I believe it's really okay not to be okay." Sa isang panayam, inamin ni Kelvin Miranda na nagkaroon siya ng mental health problem noong kasagsagan ng pandemya ngunit hindi niya agad ito ipinaalam at sinarili lamang muna.

Nito lamang July 12, 2022, ibinahagi ni Kelvin na na-diagnose siya na may bi-polar one disorder at post-traumatic stress disorder (PTSD) with ADHD noong 2020. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng batikang aktres na si Sunshine Dizon na na-diagnose siya ng "PTSD, depression, panic attacks, abandonment issues" at umiinom siya ng mga gamot para dito. In an interview on 'Fast Talk with Boy Abunda,' Donita Rose admitted she went through depression after her relationship with ex-husband niya na si Eric Villarama ended.

She related, “There was like matinding depression ang pinagdaanan ko. For somebody, I think as jolly and as happy as I am, to go to depression, I couldn't understand it at the time. During an interview on 'Fast Talk With Boy Abunda,' Donita revealed she suffered from depression when her relationship with ex-husband Eric Villarama ended.

“There was like matinding depression ang pinagdaanan ko. For somebody, I think as jolly and as happy as I am, to go to depression, I couldn't understand it at the time.""But now, hindi ako nagsisisi or wala akong regrets sa pinagdaanan kong 'yan, kasi parang ngayon ako naging buo.

Actually nangyari 'yun before I met Felson. Medyo feeling ko now, I know who I am. My identity is not in another person, kasi there was a time nung hiniwalayan ako ng asawa ko na parang, 'Who am I now?'”“There was a lot of internal struggles, but eventually I just decided to, I know this sounds really corny, pero bumalik ako sa aking first love na ang Panginoong Hesus.

” In time for Suicide Prevention Month, Louise delos Reyes opened up about her past suicidal thoughts and how she managed to fight them. During the press conference of her movie 'Pasahero,' Louise said she never mentioned about it before because 'it's a taboo topic dito sa Pilipinas.” Louise delos Reyes about her inner struggles, "It has been a long battle.

Until now, nandun pa rin siya. But I think nasa better head space na ako ngayon, And with all the help and the knowledge around that particular topic, it's very uplifting also to know na may nagke-care.” In an interview with Ogie Diaz, Angelu de Leon confessed that she once prayed for her life to end and not wake up from sleep.

"There was a time where I hit rock bottom. kung gustong bumigay, nandoon na ako. Pagod ka na lang magpanggap na malakas ka," she said.

Angelu spiritually transformed after attending several services at a Born Again church. She said, "Nahihiya ka kay Lord. Nakita ko 'yung magnitude niya.

Nakita ko 'yung laki nung love niya." Inalala ni Jayson Gainza sa panayam sa kaniya ng 'Lutong Bahay' ang pinagdaanan niyang depresyon noong 2013. Lahad niya kay Mikee Quintos, “Nung time na 'yun sabi ng doctor, kasi ilang days hindi rin ako natulog.

”Pagbabalik-tanaw naman ng misis niya na si Denden Gainza, “Nagulat ako bigla siya umiiyak hindi na raw niya kaya. Sabi ko, 'bakit?' Dalhin ko na raw siya sa ospital..

. Hindi na raw kaya ganun, 'tapos biglang umiiyak hindi makahinga ganun." “Anxiety, nagpa-panic na ako.

.. Depression, alam mo kung bakit? Nag-trigger siya kasi 'yung emosyon ko pala, minsan 'di ba nagte-teleserye ako minsan kasi nagka-karga ako ng malungkot na hindi naman dapat talaga ako malungkot.

Tapos babalik na naman ako nang masaya.” kuwento ng Sparkle comedian.Dagdag ni Jayson, “Nag-take ako ng medicine, nag-Bible study kasama 'yung iba kong friend.

Napalapit ako sa Panginoon nawala, ganun lang talaga.” Sa confession room ni Kuya sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition', ibinahagi ng Sparkle star na si Mika Salamanca na siya ay nahihirapan mag-open ng kaniyang sarili at buhay sa kaniyang housemates. Matapos makakuha ng mababang score sa pagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya, inamin ni Mika Salamanca na siya ay nakakaranas ng depression at anxiety.

Pahayag niya, “Natatakot ako na i-open sarili ko sa lahat. Diagnosed po kasi ako Kuya ng depression and anxiety.”.