Candy Pangilinan opens up about struggles in past relationship, being a single mom

featured-image

Magkahalong lungkot at tuwa ang hatid ng exclusive interview ni Toni Gonzaga kay Candy Pangilinan sa kanyang vlog na 'Toni Talks.'Sa vlog ni Toni, buong tapang na ikinuwento ng magaling na comedienne ang mga pinagdaanan niya sa buhay-- mula sa kanyang marital problems hanggang sa pagpapalaki sa kanyang pinakamamahal na anak na si Quentin, na na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.Updated as of April 5, 2025Kamakailan lamang na-feature sa vlog ni Candy ang isang sitwasyon kung saan hindi niya napigilang mapaiyak matapos ma-trigger at magkaroon ng meltdown si Quentin."Napapagod na si mommy," saad ni Candy kay Quentin. "Hindi ka na makuha sa mabuting usapan. Hindi ka na makuha sa galit."READ: Candy Pangilinan breaks down in tears after son Quentin's tantrum

Sa vlog ni Toni Gonzaga, tinalakay nila ni Candy Pangilinan ang mga nangyari sa kanyang buhay at pagsubok bilang isang single parent sa isang batang may special needs. May halong biro man, ramdam ang lalim ng pinaghuhugutan ni Candy Pangilinan nang ikuwento niya kay Toni na ipinagbubuntis pa lamang niya si Quentin nang sabihan siya siya ng ex-husband niya na iiwan na siya. “Before I gave birth, nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako.

Sinasabi naman niya sa akin, at least, nag-aabiso.” Nagawa rin idaan sa biro ni Candy kung paano tuluyang nagpaalam sa kanya ang dating asawa. “Nagpaalam siya mag-go-golf siya, 'tapos hindi ko na alam kung ano'ng butas ang tinira niya sorry.



” Base sa naging experience niya, nasabi ni Candy, “Love is really blind, but your neighbors can see.” Tumatak din and sinabi ni Candy tungkol sa mga pagdadaanan therapy ni Quentin matapos ma-diagnose na may autism. "Ay, hindi pala 'to nakukuha 'to sa mga therapy lang.

Ay, panghabangbuhay yata ito. Hindi ito nakukuha sa gamot, hindi ito parang ipa-paracetamol mo 'tapos gagaling." Ibinahagi din ni Candy Pangilinan ang naging dasal niya sa Diyos para sa pinakamamahal niyang anak.

"Ang totoong sinabi ko kay Lord is help. 'Tapos 'yung pangalawang sabi ko kay Lord, be a father. Sabi ko kasi wala na rin akong daddy.

Sabi ko, 'Lord, Father God, be a father to me and a father to Quentin." Naniniwala ang single mom na sa kabila ng di magagandang nangyari sa kanya, itinuturing pa rin niya itong isang blessing. "'Yung paghihiwalay is a blessing.

Everything was a blessing. Paghiwalay sa akin, parang hinanda rin ako ni Lord. Binago niya 'yung pagkatao ko, binago niya 'yung mindset ko, perception ko about things, para handa ako kay Quentin.

" Madamdamin ikinuwento ni Candy Pangilinan ang pakikipag-usap niya sa principal ng eskuwelahan na pinapasukan ng anak matapos sabihang hindi padadaluhin sa graduation ceremony ng kinder students si Quentin. "Umabot ako sa [puntong] kahit bigyan niyo na lang ho ng bond paper, [na] wala hong nakasulat. To make a long story short, naiyak ako sa principal, nagmakawaa ako.

Ayaw pumayag noong principal." May mensahe din ang comedienne para sa tulad niyang mga nanay. "Mothers are made for a purpose and God will help you do it, make it happen, because that is your purpose," We love you, Mommy Candy and Quentin!.