Nagsalita na si Buboy Villar para iklaro ang lahat ng mga akusasyon ng kanyang dating partner na si Angillyn Gorens. Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, diretsong pinag-usapan nina Buboy at Boy ang mga katanungan ng publiko tungkol sa isyu. Unang ipinaliwanag ni Buboy Villar ang pinag-usapan nilang sustento para sa kanyang mga anak kay Angillyn Gorens.
Nilinaw ng Kapuso star na hindi niya pinabayaan ang pagbibigay ng sustento buwan-buwan kahit minsan ay nahihirapan siya. Bago pa raw lumapit sila sa gobyerno, pinipilit raw ni Buboy na mag-abot ng PhP120,000 per month. Ito ay ayon lang sa napagkasunduan nila ng kanyang dating partner.
Labis naman daw nagpapasalamat si Buboy Villar sa mga magulang ni Angillyn Gorens. Tuwing kinakapos kasi siya na makapagbigay ng sustento, maunawain ang mga magulang at maayos ang kanilang pag-uusap. Kasama rin niya daw ito nang lumapit na sila sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (VAWC) at makipagkasundo sa kakayanin niyang sustento.
Base sa kanyang sahod, PhP25,000 ang naging halaga ng pagbibigay ni Buboy sa kanyang mga anak, kasama ang iba pang kinakailangang gastusin sa eskwelahan. Naging emosyonal si Buboy Villar nang pinag-usapan niya ang kanyang dalawang anak kay Angillyn Gorens. Dahil tuwing Linggo niya lang nakakasama sila, ramdam ni Buboy ang nais nilang mas tumagal pa ang oras ng kanilang pagsasama.
"Pero, siyempre, Tito Boy, sinasabi ko sa mga anak ko na, 'I'm so sorry. Hindi talaga kaya ni Papa talaga minsan 100 percent 'yung oras sa inyo kasi Papa needs to work.' Inamin ni Buboy Villar na nais niya rin makasama ang kanyang mga anak na mas mahabang panahon.
"Alam ko po sa sarili ko iyon na kung pwede lang araw-araw ko pa kasama ang mga anak ko. Puwedeng-puwede po iyon, Tito Boy," sinabi ng Kapuso star. "Sila nga lang po 'yung lakas ko.
Sila nga lang po 'yung nagpapatibay sa akin. Sila po 'yung tinitingnan ko Tito Boy na minsan sa trabaho namin nakakapagod. Pero tinitignan ko sila, contents ko, 'yung tawa ng mga anak ko, kita 'yung halik ng anak ko, it touched my heart.
" Mariin itinanggi ni Buboy Villar ang mga paratang ni Angillyn Gorens na binugbog niya ito noong sila pa. "Tito Boy, pananakal, panununtok, di ko kaya gawin 'yun. Hindi ko po magagawa sa kanya iyon," paglilinaw ng Kapuso star.
"Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko po na ilagay ang aking mga kamay sa kanya o saktan siya. Hindi ko po gagawin 'yun, napakalabo, mahal na mahal ko po 'yung mga anak ko. May respeto po ako sa kanya, minahal ko po siya, hindi ko po gagawin sa kanya 'yun.
” Tungkol sa mga pasa na ipinakita ni Angillyn Gorens online, pinili ni Buboy Villar na huwag nang magsalita tungkol sa sanhi ng mga ito. "Hindi po talaga galing sa akin, Tito Boy. Hindi ko maisabi ito sa publiko alang-alang din po sa mga anak ko which is alam ko alam ni Angillyn kung ano 'yung pinagdadaanan niya.
Alam niya saan galing ang mga pasa na iyon at hindi po galing sa akin iyon." Nang tanungin ni Boy Abunda kung loyal ba si Buboy Villar noong sila pa ni Angillyn Gorens, inamin ng Kapuso star na meron siyang mga naka-chat minsan. Ngunit nilinaw niya na hindi natuloy ang mga ito sa mas malalim na relasyon dahil sa takot magkamali sa buhay.
"Galit rin po ako, naiinis. Pero mas pinili ko po maunawa." Ito ang inamin ni Buboy Villar sa nararamdaman niya kay Angillyn Gorens ngayon.
Kaya raw madalas siyang nagdadasal na alisin ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Ang hiling na lang niya sa ex-partner na mag-heal, palibutan siya ng mga mabubuting tao, at mas magmahal para sa kanilang mga anak. Sa huli, ang dasal ni Buboy Villar sa lahat ay bigyan sila ng kaliwanagan ng pag-iisip para sa kani-kanilang pamilya at mga anak.
.
Buboy Villar revealed Angillyn Gorens allegedly had a child in the US after their separation

Buboy Villar shared that his former partner, Angillyn Gorens, allegedly had a child with someone else after their separation, but he said he didn't get angry about it.In his exclusive interview on Fast Talk with Boy Abunda last Friday, Tito Boy asked Buboy about his current relationship with Angillyn.He said, "Tito Boy, gusto ko lang po, para sa akin, nakakalungkot mang sabihin, gusto ko rin sana, parang nirerespeto niya rin sana kung ano ako. Kasi siya, Tito Boy, I promise, I swear to God, nirerespeto ko po siya."There, Buboy said that Angillyn had entered a new relationship and had a child."Simula nga noong nagkaanak rin siya sa bago niya, hindi naman po ako nagsalita, Tito Boy," anang Kapuso comedian."Bago po ako nagkaanak, nagkaanak na rin po siya, Tito Boy, doon po sa Amerika. Hindi po ako nagalit," sabi ni Buboy.Buboy said that he was the one who asked Angillyn after seeing a photo of the child in a story on her account.However, he didn't feel any resentment or anger; he just wanted to know everything so he could give their children the right answers if they ever asked about their mother."Hindi ako para pakialaman ko po 'yung buhay niya. Mine-make sure ko lang po, kasi para alam ko rin po 'pag nagtanong sa akin 'yung anak ko. Alam ko rin po kung ano ang sasabihin. Hindi po yung parang, 'Ah talaga? Bago sa akin 'yun. I didn't know that,'" Buboy explained.Prior to this, Buboy strongly denied Angillyn Gorens' allegations that he had allegedly hurt her and was neglecting their children.Recently, Buboy revealed that he is now in a relationship with Khrizza Sampiano, and they have a three-month-old baby together.Check the highlights of Buboy Villar's interview in this gallery: