Barbie Forteza, Rabiya Mateo, Camille Prats, Jillian Ward share their fitness goals

featured-image

Alamin ang activities nina Barbie Forteza, Rabiya Mateo, Camille Prats, at Jillian Ward para mapanatili ang kanilang fit and healthy lifestyle.

Bilang public figures, importante sa celebrities na makita sila ng mga tao na fit at healthy. Kaya naman, marami sa kanila ang sumasabak sa iba't ibang activities para makamit ang kanilang fitness goals.Sa ngayon, ang nangungunang activity para sa stars ay running.

Bukod kasi sa hindi na nila kailangan ng equipment, maaari pa itong gawing kahit saan at anumang oras. Kamakailan lang ay sumali pa ang ilang Kapuso stars sa isang fun run para sa Save the Children Philippines noong Saturday, April 12.Nagpunta roon ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, na isa sa mga ambassadors ng Save the Children; beauty queen-turned actress Rabiya Mateo; Mommy Dearest star Camille Prats; at Star of the New Gen Jillian Ward para suportahan ang organisasyon.



Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend, nagbahagi ng kanilang fitness goals at routines ang apat na Kapuso stars.Para kay Rabiya, ang kaniyang pagtakbo ay hindi lang para sa kaniyang physical fitness, kundi para na rin sa kaniyang mental peace.“Mental clarity talaga, most especially, kasi ako, before I make a decision, I run muna kasi it gives me a lot of options to think, kung ano ba talaga 'yung pinakamagandang magiging desisyon ko sa buhay,” sabi ng actress-beauty queen.

Samantala, naging family affair naman para kay Camille, sa asawa niyang si VJ Yambao, at kanilang mga anak ang fitness dahil bata pa lang ay tinatakbo na rin nila ang papunta sa healthy lifestyle.“For me, it's just really to have fun while staying fit. Ta's siyempre 'pag kasama mo 'yung pamilya mo, mag ma-e-enjoy mo siya.

It's nice to start them young kasi,” sabi ng Mommy Dearest actress.BALIKAN ANG ILANG CELEBRITIES NA INE-ENJOY ANG KANILANG RUNNING ERA SA GALLERY NA ITO: Si Jillian naman, bukod sa pagtakbo ay sinasabayan pa ang kaniyang fitness journey ng ibang activities at sports.“Every day may ginagawa akong exercise.

So, parang minsan nagbi-brisk walking ako, minsan po, strength training, madalas dance class. Basta lagi akong nagwo-work out,” sabi ng young actress.Paalala naman ni Barbie sa mga mayroon ding fitness goals ngayong taon, get those bodies moving.

“You just have to want it, and you just have to start. Whatever it is and whatever type of fitness activity you wanted to do, either gym or ito nga, takbo, or any type of sport, you just have to start, you just have to begin,” pagtatapos ng aktres..