Isa sa mga bagong mapapanood sa GMA ay ang upcoming serye na Akusada.Ang bida ng nasabing serye na si Andrea Torres ay naghahanda na para sa kanyang pagbibidahang role na isang magtatahong.Sa "Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, magkakaroon ng immersion ang Sparkle actress upang mas mapag-aralan ang buhay ng mga magtatahong.
“Meron po akong nakausap na 'yun ang trabaho niya. Thankfully naman, pumayag siya na ma-interview ko siya, mag-observe ako, and ma-try nang kaunti na pumunta talaga doon sa palaot,” pagbabahagi niya.Dagdag pa niya, “Kasi gusto kong makita 'yung life nila.
Based din kasi doon, mabubuo mo 'yung kung ano ba 'yung kinalakihan ng character.”Makakatambal naman ni Andrea ang Kapuso star na si Benjamin Alves at excited ang aktor para sa kanyang bagong role.“I think naman with the title of Akusada, parang more or less ine-expect ng Kapuso na this is very gripping, talagang may suspense, may thrill.
Pero sana makuha rin po bilang kasi afternoon siya na may hopefulness, especially sa character ni Ada,” kwento niya.Samantala, excited ang Sparkle actress na si Lianne Valentin na makatrabaho si Andrea sa unang pagkakataon. Nagkwento rin ang aktres tungkol sa kanyang kontrabida role sa Akusada.
Aniya, “Straightforward siya sa pagiging maldita niya, walang preno, pasmado 'yung bibig.”RELATED CONTENT: Cast ng 'Akusada,' nagkita-kita sa story conference Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito..
Entertainment
Andrea Torres, magkakaroon ng immersion para sa kanyang role sa 'Akusada'

Labis ang paghahanda ng Sparkle actress na si Andrea Torres para sa kanyang karakter sa upcoming GMA drama series na 'Akusada.'