Si Bruce ay si Ruslan, anak na ipapasok sa rehabilitation facility ang tatay niya. Gaganap si Gabby Eigenmann bilang Philipp, tatay ni Ruslan na may schizophrenia. Si Gina Alajar ay si Lola Lilian, nanay ni Philipp at lola ni Ruslan na magpapalaki sa kanya.
Si Andrea del Rosario naman ay si Ruskin, nanay ni Ruslan na nagtatrabaho abroad. Gaganap si Analyn Barro bilang Angelica, ang supportive girlfriend ni Ruslan. May pag-asa pa bang magkita ang sina Ruslan at Philipp? Abangan ang brand-new episode na "Forgive Me, Father," April 5, 8:15 p.
m. sa Magpakailanman..
Anak, ilang taong hindi nakita ang amang schizophrenic sa 'Magpakailanman'

Sensitibong usapin ng mental health ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.Susubukan ng kundisyon sa pag-iisip ang isang pamilya sa episode na pinamagatang "Forgive Me, Father."Mada-diagnose ng schizophrenia ang half-Russian na si Philipp kaya ipapasok siya sa isang rehabilitation facility.Dahil dito, lalaki ang anak niyang si Ruslan nang malayo sa kanya.Makakalabas naman si Philipp sa facility pero magkakaroon siya ng episode kung saan pagtatangkaan niya ang buhay ni Ruslan.Mapipilitan naman si Ruslan na muling ipasok ang ama sa facility at lilipas ang ilang taon na hindi niya ito makikita.May pag-asa pa bang magkita muli sina Ruslan at Philipp?Abangan ang brand-new episode na "Forgive Me, Father," April 5, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: