Labis ang pasasalamat nina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos tumabo na ng mahigit P1 bilyon ang kita ng kanilang pelikulang "Hello, Love, Again." Sa isang video statement, nagpasalamat sina Alden at Kathryn sa kanilang fans at mga kababayan sa pagsuporta sa kanilang pelikula na gumawa na ng kasaysayan bilang highest-grossing film sa bansa. "We love you a billion times," saad ni Alden.
"Hindi namin in-expect na aabot ng ganito 'yung gross income ng 'Hello, Love, Again' globally." "No words can say how grateful we are, maraming maraming salamat po," dagdag ng aktor. Sinang-ayunan ni Kathryn ang mga sinabi ni Alden, na sinabing walang katumbas na salita ang kanilang labis na pasasalamat sa tinatamong suporta ng sequel ng kanilang 2019 movie na "Hello, Love, Goodbye.
" "Thank you sa lahat ng mga sumusuporta sa movie, sa lahat ng mga kababayan natin," ani Kathryn. "Grabe, parte kayo nito." "Thank you for making this happen.
Thank you for making this possible. Congratulations to us," patuloy ng aktres. Hanggang nitong November 23, tumabo na ang collaboration film ng GMA Pictures at Star Cinema ng P1.
06 billion sa box office worldwide. Nagsimulang mapanood ang "Hello, Love, Again" sa mga sinehan sa Pilipinas noong November 13. Ipinapalabas din ito sa Europe, North America, Southeast Asia, at Middle East.
— FRJ, GMA Integrated News.
Entertainment
Alden at Kathryn sa P1-B gross sales ng 'Hello, Love, Again:' 'No words can say how grateful we are'
Labis ang pasasalamat nina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos tumabo na ng mahigit P1 bilyon ang kita ng kanilang pelikulang "Hello, Love, Again."