AC Bonifacio, nilinaw ang sinabing pagiging 'fake' ni Ashley Ortega sa PBB

featured-image

Basahin dito ang paglinaw ni AC Bonifacio sa isyu niya kay Ashley Ortega sa loob ng PBB.

Ngayong nasa outside world na ang magka-duo na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio, nabuksan na ang mga isyung kinaharap nila habang sila ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, April 7, napag-usapan ang sinabi ni AC patungkol kay Ashley para sa isa nilang task.Pinagpilian ng mga Kapamilya housemates kung sino ang bibigyan nila ng immunity sa mga Kapuso housemates at napagdesisyunan nilang pumili kina Ashley at Charlie Fleming.

Naikuwento ni AC na kinailangan nila tingnan ang mga bad side ng mga housemates para sa pagbuo nila ng desisyon na 'yun hanggang sa pinili nila si Charlie."Ako personally, I just gave my opinion na I felt like she was not being genuine during that one week that we were together. She wasn't being genuine.



I admittedly also said that she was being fake. That's just how I personally felt during that time," sabi ni AC kay Ashley.Pagkatapos maikuwento ni AC ang nangyari sa immunity task, naitanong ni Tito Boy kung anong naramdaman ni Ashley na masabihan ni AC ng "hindi genuine" at "fake.

"“Actually, Tito Boy, after that immunity challenge, nag-swap duos so by faith, napunta talaga si AC sa akin. Hindi kasi namin alam yung pinag-usapan nila sa task room for the immunity and I never knew. But when AC came up to me noong nalaman niya na duo, she really went to me right away and she talked to me about it and sinabi niya yung totoo.

Inayos agad," sagot ni Ashley.Inamin din ni Ashley na hindi daw ito "big deal" sa kaniya dahil naiintindihan niya din na isang linggo pa lamang sila magkakasama sa loob at may mga first impression talaga sa bawat housemates.Si Ashley at AC ang pinakaunang housemates na na-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, pagkatapos makakuha ng pinakamababang boto ng 17.

25%.Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m.

at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.

com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.

com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.Samantala, kilalanin ang iba pang mga Kapamilya at Kapuso housemates dito:.