4-anyos na lalaki, patay matapos sakalin at kagatin sa ari; kinakasama ng ina, arestado

featured-image

Patay ang isang apat na taong lalaki sa pang-aabuso umano ng kinakasama ng kanyang ina, sa Dasmariñas, Cavite.

Patay ang isang apat na taong lalaki sa pang-aabuso umano ng kinakasama ng kanyang ina, sa Dasmariñas, Cavite. Ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend, may mga latay sa likod, pasa, at mga kagat sa ari ang nakita sa katawan ng bata. Kuwento ng tiyuhin ng biktima, nag inuman ang suspek—isang babaeng kinakasama ng in ang bata—at ilan nilang kaanak noong Huwebes.

Pagkatapos raw nito, nakarinig siya ng ingay sa kuwarto ng suspek at ng ina ng biktima. Nakita niyang sinasaktan ng suspek ang kanyang pamangkin. "Binato ng tsinelas.



Natumba yung bata, tapos pagtayo ng bata, hinampas ng tatlong beses," aniya. Tumigil lang ang pananakit sa bata ng mapansin ng suspek na nakita ito ng tiyuhin. Kinabukasan, patay na ang bata, at mismo ang suspek pa ang nagsabi nito.

Ani ng lola ng biktima, nakita sa autopsy na sinakal ang bata, at kinagat sa maselan na bahagi ng katawan. Naging saksi rin daw ang anim na taong gulang na kapatid ng biktima sa pananakit sa bata. Inaresto na ang suspek, at kahapon nakauwi na ang ina ng biktima mula sa abroad.

— BM, GMA Integrated News.